Monday, March 31, 2008

Taga UPLB ka kung...

Found this on another site. I can so relate...

1. Kilala mo si Mang Pogs.

2. Nalilito ka kung saan nakalagay ang banga ni Mariang Banga.

3. Tubig na lang ang tingin mo sa gin.

4. Ginamit mong reviewer ang mga old exams para sa mga midterms, prefi at finals sa math, stat, chem, physics, eco etc.

5. Hindi ka sumasagot ng UP (yupeee) kapag tinanong ka kung saan kagraduate. Hahaha! Sagot mo elbi.

6. Taga-elbi ka kapag kilala mo yung professor na nagbi-bike ng naka-barong na kupas. (Si climax! kalahating albert einstein, kalhating mang pandoy)

7. Ok lang pumasok sa mga klase kahit naka pambahay/pantulog attire ka.

8. Pag nagtanong si manong driver ng "may animal ba dyan?", at may sumagot ng "meron po" ay di ka natawa.

9. Pag nagtanong uli si manong driver ng "may mens ba dyan?", at may sumagot uli ng "meron po" ay di ka natawa.

10. Di ka nahihiyang magbitbit ng malaking payong.

11. Taga-elbi ka kung pagkatapos mong magbakasakali kay Mang Pogs, diretso ka na kay Mr. Midnight .

12. Bumibili ka ng blue book sa Coop.

13. Alam mong hindi pwedeng ibato ang Batong Malaki.

14. Nung pinanood mo ang movie ni aga at regine na shot at elbi (sa may gaygay gowns) at nagtawag ng taxi si regine e nagtawanan kayo ng mga taga-LB at clueless ang iba.

15. Alam mo kung nasaan ang White House.

16. May tanline ka ng tsinelas.

17. Alam mong mas masarap ang pancit canton na niluto sa 'heater cup'

18. Sanay ka maglakad.

19. Thursday night ang gimik night mo.

20. Alam mo na ang pinakamalaking banyo ay ang Ellen's Fried Chicken, at Sizzler's ang tinitingalang kainan.

21. Kilala mo sina Saniano Boy at Girl.

22. Alam mo kung nasaan ang "Johnson".

23. Alam mo ang kaibahan ng dalawang Flatrocks.

24. Kaya mong pumasok ng hindi naliligo.

25. Alam mong si Carasus at Pegabao ay iisa.

26. Alam mong ok lang na pumunta sa Maahas.

27. Tumatambay ka sa APEC para mag inom.

28. Alam mo kung nasaan ang Fertility Tree, Kwek Kwek Tower , at ang Templo ni Bruce Lee.

29. Tuloy ang klase kahit signal number 3 na.

30. Alam mo kung saan ang pilahan ng jeep papuntang IRRI, Forestry, o kaya ay Jamboree...

31. Sawa ka na or Hindi ka kumakain ng buko pie.

32. Alam mo na bago pa man nauso ang unli rice sa Tokyo Tokyo, marketing strategy na ito ng Salad Country.

33. Hinahanap-hanap mo ang chocolate cake sa Mer-Nel's.

34. Alam mong bawal tumawid sa UPLB Gate (main), muLa Guard House papuntang harap ng Carabao Park...

35. Alam mong may oras lang na pwede kumain sa IRRI pag di ka IRRI employee.

36. Sanay ka maglagay ng Knorr Seasoning sa kanin.

37. Alam mong ang hanging bridge ay di talaga naka hang..

38. Alam mong hindi lang dalawang pulgada ang layo ng Bayog sa Anos.

39. Kapag nate-take mo na di magpalit ng pants hanggang ilang araw... hehe..

40. Alam mo kung nasaan ang tatlong Ellen's fried chicken sa LB.

41. Apektado ka sa pagsasara ng ic's

42. Pag may sakit ka, hindi ka pumupunta sa "infirmary" except lang pag kukuha ka ng excuse slip.

43. Marami kang alam na ghost stories, sa ilag's, sa men's dorm, sa faculty village, sa may social garden etc...

44. Pag umihi ka na sa gilid ng SU (tuwing feb fair).

45. Alam mo na ang tunog ng pillbox. (rambol!)

46. Taga lb ka kapag kilala mo si "manang slow"..

47. Hindi mo na naabutan ang Vega mall at Robinson's.

48. Taga elbi ka kapag mas gusto mong tumambay pag feb fair kesa manood ng kung anuman sa stage.

49. Kaya mong i-identify ang specie at subspecie ng bawat punong nadadaanan mo.

50. Alam mo na ang shortest way sa papuntang st. therese from Hum ay ang dirt road...

51. Taga-elbi ka kapag alam mo kumbaket maraming natatalisod sa raymundo gate.

52. Hindi mo kailangan ng rason para uminom ... hindi mo na rin keilangan ng mesa pag iinom (... hindi mo na rin minsan kailangan ng baso).

53. Alam mo kung nasaan ang Soils.

54. Mas trip mo mag-redhorse kesa mag San Mig Light.

55. Kung di man natuloy ay binalak mong umakyat ng peak two.

56. Taga elbi ka pag nakakita ka ng snow pag summer (yun yung bulak na nagkalat sa campus... kapok).

57. Taga-elbi ka rin pag handa mong gawin ang lahat pag nag-prereg ka makakuha ka lng ng slot sa subject na yon (lalo na pag GE).

58. Alam mo kung saan makakabili ng masarap na proven at chicken skin-- dun malapit sa white house.

59. Alam mong ang devcom ay dating under ng ca.

60. Mas enjoy mo ang gimik sa apartment compared to bars and restos.

61. Alam mong ang "audi" at DL Umali Hall ay iisa.

62. Alam mong may gasolinahan sa loob ng campus (sa likod ng CEAT).

63. Sineryoso mo na kailangan may kasama kang date pag drill night.

63. Alam mo kung nasaan ang Ilag's, Raymundo's at Catalan.

64. Dismissed or graduate ka na pero sa elbi ka pa rin nakatira.

65. Alam mo kung nasaan ang Batcave.

66. Gusto mong pasabugin ang PhySci building.

67. Alam mong ang LB Square ay dating vacant lot na puro talahib.

2 comments:

olrayt said...

potek na miss ko tuloy lb...

maria said...

he he, I hear you.